Babywearing sa panahon ng Coronavirus (COVID19) outbreak TAGALOG

covid19 tagalog Apr 29, 2020

Malaki po ang naging epekto ng mabilisang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo. Ang mga bata ay hindi na nakakapasok sa paaralan, ang mga matatanda ay sinisikap pa ding magtrabaho kahit sa bahay na lang muna, at kung saan man maari, at mga samu’t saring negosyo ay napilitang magsara. Makikitang lahat ay sapilitang isinaalang-alang ang mga bagay-bagay na dati ay hindi naman nakagawian. 

PODEMOS IMAGINAR QUE TAMÉM HÁ PERGUNTAS SOBRE BABYWEARING 

    • Ipinagpapayo po natin ang pagkarga sa ating mga anak sa loob man o sa labas ng bahay
    • Ang pag-karga habang tayo ay nasa labas ng bahay ay nakakapagpigil po sa bata na hawakan ang mga bagay-bagay sa paligid. 
    • Ito din po ay nakakatulong na hindi malapitan o mahawakan ang ating anak ng mga taong hindi natin kilala.
    • Ang pag-karga sa ating anak ay nakakapagpababa ng stress, lalo pa’t sa panahon ngayon sa kung saan nakikita at nararamdaman nila ang ating pagkabalisa at pag-aalala sa ating paligid. Ito din po ay nakakapagpababa ng stress sa ating mga matatanda. Tandaan po na ang touch at physical connection ay mahalaga sa lahat ng tao, mapabata man o matanda.
    • Inirerekomenda po namin ang malimit na paglaba at paglinis ng mga slings at carrier. Ang paglaba sa pinakamataas na temperatura alinsunod sa payo ng manunfacturer ng carrier ay mainam din. Maaring i-disinfect at pahanginan, kung hindi po kayang malabhan ang buckled carriers ng mas madalas sa nakagawian. Nakakapagpabawas din ng germs ang pagplantsa sa ating mga slings. Mainam na sundin ang payo ng manufacturer ng inyong carrier hinggil sa tamang paglaba ng inyong baby carrier.

Sa ngayon, hindi kasama ang mga bata pati mga sanggol, sa tinatawag natin na risk group o yung mga nanganganib na makakuha ng coronavirus, subalit maari pa din po silang magkaroon ng ganitong sakit. Ngunit kung sila po ay madapuan man nito, mas mababa po ang mga komplikasyon kung ikukumpara sa mga matatanda.

Pangkalahatang Gabay at Patnubay: 

Ito po ang mga gabay na sinusunod na ng maraming bansa. Ito po ay para matiyak na hindi magkakasakit ang karamihan sa atin. Ito din po ay para maiwasan ang paglobo ng mga kaso ng impeksyon na lubhang magdudulot ng samo’t saring mga sakit at komplikasyon sa ating risk groups. Tandaan po natin na may limits din po ang ating healthcare systems, kagaya nalang po na sa pangkalahatan, iilan lamang ang mga kama sa maaring magamit sa bawat intensive care units, at ganun din po sa mga medical staff na mainam na may kasapatan ang dami para matugunan ng maayos ang mga pangangailangan ng mga tao. Ang mga patnubay ay ang sumusunod:

      • Ugaliing hugasan ang mga kamay ng maayos ng bente hanggang kwarenta segundos (20-40seconds).
      • Gumamit ng tissue o gamitin ang likod ng siko para takpan ang bibig kapag uubo o babahing.  
      • Punasan ang mga kamay gamit ang paper towels at pagkatapos ay itapon ito ng maayos sa tamang lagayan.
      • Iwasan muna ang pakikipagkamay, pagyakap, halik o beso-beso.
      • Manatili sa bahay kapag may sipon o nakakaramdam ng mga sintomas ng trangkaso hanggang sa gumaling.
      • Kung maari ay panatilihin ang 1.5meters / 6feet na layo sa bawat tao (physical, social distancing) lalo na sa mga matataong lugar kagaya ng palengke
      • Hangga’t maari ay mag-work from home o di kaya ay bawasan ang bilang ng working hours.

PANGKALAHATANG PATNUBAY PARA SA MGA TAGAPAG-ALAGA NG BATA / CAREGIVER:

Parehong walang sakit ang magulang at anak:

Maaring kargahin ng magulang ang kaniyang anak kung pareho silang walang sakit na coronavirus. Kalimitan, mahalaga at mas mainam pa din ang social contact sa mga magulang at kani-kanilang mga anak. Bagama’t pinapayagan pa din naman ng ibang bansa na lumabas, mas mainam na panatilihin ang ‘social distancing’ o ang pina-payong layo sa bawat tao. Hinihimok din po natin ang mga magulang na alamin ang mga patnubay na sinusunod sa kani-kanilang lungsod o pamahalaan.

Kapag may sakit ang magulang, ngunit walang sakit ang bata

Malaki ang posibilidad na magkakaroon din ng sakit ang mga bata kung ang nanay o ang ibang kasapi sa bahay ay may sakit ng coronavirus sapagkat ito din ay malamang na-expose na din sa nasabing virus. Tandaan na ang mga kapamilya ay nakakahawa na bago pa man lumantad ang mga sintomas ng sakit na ito. Mainam na sundin ang mga gabay na ipinapatupad ng kani-kanilang pamahalaan, at humingi din ng payo sa mga doktor. 

Kung sakaling ang bata ay walang sakit, pinapayuhan po natin na iwasan muna ang skin-to-skin contact at babywearing sa taong infected, subalit inirerekomenda pa din po natin ang pagpapasuso ng ina, datapwa’t panatilihin ang pagamit ng mouth mask habang ito ay nakaharap sa bata. 

Tandaan na ang body contact ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga maliliit na bata at sanggol. Kung maari, maghanap po ang mga magulang ng taong pwedeng mag-alaga sa kanilang anak at maibigay ang kailangan na body contact. Naiintindihan po namin na ito ay mahirap lalo na po kung naka-quarantine po ang buong pamilya sa iisang bahay lamang. Sa mga pangyayari na walang ibang tao sa bahay, bukod sa magulang, para mag-alaga ng bata, ito ay nangangahulugan na ang magulang na lamang mismo ang kakarga sa bata.

Parehong infected ang magulang at ang bata:

Tulad ng nabanggit, kapag ang nanay o ibang kasama sa bahay ay may sakit ng coronavirus, malaki ang posibilidad na ang bata ay mahahawaan din. Pinapayuhan po natin ang pagcontact sa doktor para sa mga susunod na hakbang at mga dapat gawin.

Maari na pong ipangpatuloy ang pagkarga sa bata o babywearing kapag pareho na po silang magaling, atin pong isipin na mas malaki ang magiging kawalan kesa sa kalamangan kapag patuloy po nating inilalayo ang bata sa kaniyang ina. Inirerekomenda po natin na hangga’t maari sila po ay magkasama ng matagal sa pagamutan.

Mga Karagdagang Paalala:

    • Sa ngayon, ang ating mga maternity care institutions ay nagbabawal ng pagtanggap ng bisita habang nakaduty ang maternity nurses. Ito po ay upang mapangalagaan ang kalusugan ng maternity nurses. Tandaan po na magiging mas mahirap kapag nagkasakit ang ating mga maternity nurses. Ayaw po natin na mangyari po iyon. Magtungo sa himpilan ng maternity care agency sa karagdagang mga tanong.
    • Bawal po ang mga bisita habang ang midwife / kumadrona o lactation consultant ay nagsasagawa ng konsultasyon sa pamilya.
    • Sa usaping nutrisyon, atin pong isinusulong ang pagpapasuso o breastfeeding lalo na po sa mga sanggol, sapagkat taglay ng gatas ng ina ang karampatang proteksyon laban sa impeksyon. Nakakatulong po ang gatas ng ina sa pagpapalakas ng resistensya ng bata. Tandaan po na ang ina ay maari pa ring magpasuso ng may ibayong gabay at pag-iingat. Maari po tayong magtungo sa ang ating mga lactation consultants o mga La Leche League volunteers kung tayo po ay may mga katanungan. Mayroon din pong mga payo at gabay ang WHO at UNICEF hinggil sa pagpapasuso ngayong may Covid-19.

Fontes: World Health Organization (WHO): www.who.int/health-topics/coronavirus  Unicef: www.unicef.org/stories/  Centers for Disease Control and Prevention (CDC): https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prepare/cleaning-disinfection.htm 

Download PDF

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Cras sed sapien quam. Sed dapibus est id enim facilisis, at posuere turpis adipiscing. Quisque sit amet dui dui.

CALL TO ACTION

Stay connected with news and updates!

Join our mailing list to receive the latest news and updates from our team.
Don't worry, your information will not be shared.

We hate SPAM. We will never sell your information, for any reason.